Hinimok ni US President Donald Trump si Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na itigil ang pag-target sa mga pasilidad ng diesel fuel sa Russia, dahil aniya nakaaapekto ito sa pandaigdigang suplay ng gasolina.

Ayon kay Trump, maraming iba pang target ang maaaring atakihin ng Ukraine, ngunit dapat umanong iwasan ang diesel infrastructure dahil “nakasasama ito sa mundo.”

Nabawasan ang produksyon ng fuel sa Russia matapos ang sunod-sunod na long-distance drone attacks ng Ukraine sa mga oil refinery nito, na nagdulot ng kakulangan sa gasolina sa ilang bahagi ng bansa.

Giit naman ng Ukraine, lehitimong military targets ang mga refinery dahil regular ding inaatake ng Russia ang kanilang energy infrastructure.

Samantala, lumampas na sa $6 kada galon ang average price ng diesel sa United States—unang pagkakataong naabot ang ganitong antas, ayon sa GasBuddy

-- ADVERTISEMENT --