
Iniutos ni US President Donald Trump sa mga federal agencies ng bansa ang pagsisimula ng proseso para tukuyin at ilabas ang mga government file na may kaugnayan umano sa unidentified flying objects (UFO), unidentified aerial phenomena (UAP), at extraterrestrial life o alien.
Ayon kay Trump, aatasan niya si Defense Secretary Pete Hegseth at iba pang kaukulang ahensya na ihanda ang mga dokumento para sa posibleng paglalabas, dahil sa aniya’y malakas na interes ng publiko sa nasabing usapin.
Una nang sinabi ni Trump na mahalagang maging transparent ang pamahalaan sa mga ganitong isyu.
Gayunpaman, sa mga naunang ulat ng Pentagon noong mga nakaraang taon, wala umanong natagpuang ebidensya na nagpapatunay sa pagbisita o presensya ng mga alien sa mundo.
Inaasahan naman ang karagdagan pang detalye mula sa mga ahensya hinggil sa saklaw at timeline ng pagpapalabas ng mga dokumento.










