Muling pinalawig ni US President Donald Trump ang pag-atake sa energy sites ng Iran, habang kasalukuyan umano ang negosasyon para sa pagtatapos na ng giyera.

Matatandaan na unang sinabi ni Trump ang limang araw na pagtigil sa strikes sa energy sites ng Iran, batay umano sa kahilingan ng Tehran.

Muli nitong pinalawig ang kanyang banta ng 10 araw, o hanggang Abril 6 para sa pagsira sa Energy Plant ng nasabing bansa.

Sa isang cabinet meeting, sinabi ni Trump na mararanasan ng Iran ang pinakamatinding bangungot kung hindi sasang-ayon sa peace plan.

Kinumpirma ni special envoy Steve Witkoff sa nasabing pulong na may ipinadala ang US na 15-point peace plan sa Iran.

-- ADVERTISEMENT --

Bilang tugon, iginiit ng isang opisyal ng Iran sa nasabing panukala na may karapatang legal ang kanilang bansa na kontrolin ang Strait of Hormuz.

Samantala, nagpapatuloy ang mga pag-atake sa Israel, Iran at Lebanon, kung saan dalawang katao ang namatay mula sa debris sa naharang na missile sa Abu Dhabi, na pinaniniwalaang mula sa Iran.