Halos umabot na sa ikalawang palapag ng ilang bahay sa Malabon ang tubig-baha kaninang umaga.
Kaugnay nito, ipinost ni dating Mayor Antolin Oreta III sa kanyang Facebook ng mga residente na humihingi ng tulong, partikular ng mga bangka para sa kanilang paglikas.
Samantala, nasa second alarm na ang Marikina River matapos na umabot na ito sa 16 meters.
Ayon sa Marikina Public Information Office, lahat ng flood gates sa Manggahan Floodway ay bukas na matapos na ianunsiyo na nasa second alarm na ang ilog kaninang umaga.
Ang normal water level sa ilog ay 14.9 meters.
-- ADVERTISEMENT --
Ang mga pagbaha sa Metro Manila ay bunsod ng mga pag-ulan na dala ng ‘habagat’ na pinapalakas ng bagyong Carina.