Kinondena ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang petisyong inihain sa Pasig City Regional Trial Court na humihiling na ipatigil ang pagpapatupad ng Wage Order ng National Capital Region–Regional Tripartite Wages and Productivity Board (NCR-RTWPB).

Ayon sa TUCP, layunin ng petisyong inihain ng dalawang construction firms na pigilan ang pagpapatupad ng P85 na dagdag sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila, kabilang ang unang umento na P60 na ipinatupad noong Hulyo 25.

Iginiit ng labor group na ang hakbang ay magpapaliban pa sa matagal nang hinihintay na umento ng sahod ng mga manggagawa sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, pabahay, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Tinawag ng TUCP ang petisyon bilang malinaw na pagpapakita ng umano’y kasakiman at kawalan ng malasakit ng ilang kumpanya sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --