
Huli ang isang high value individual (HVI) sa isinagawang drug-buy bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Basi East, Solana, Cagayan.
Pinangunahan ni PLTCOL Stanbley Banan, chief of police ng Solana PS, katuwang ang Regional Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division, Cagayan Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Philippine Drug Enforcement Agency RO2, at 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Joselito Foronda ang nasabing operasyon.
Hinuli ang suspek na kinilalang si alyas Lorence, 36-anyos, at residente ng nasabing bayan matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na nagpanggap na buyer.
Nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang isa pang sachet ng hinihinalang shabu.
Inihahanda na ang kaso laban sa suspek na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.