Iginiit ni Senator-Judge Raffy Tulfo na dapat pa ring ipatawag bilang mga testigo sina Col. Raymund Lachica at Col. Dennis Nolasco sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Tulfo, mahalagang marinig ang paliwanag ng dalawang security officer tungkol sa mga hindi pangkaraniwang pangalan na nakalista sa acknowledgment receipts ng confidential funds ng OVP at DepEd.

Sinabi pa ni Tulfo na habang inilalagay umano ang mga pangalan sa mga resibo, “ginagawa tayong mga kengkoy” ng mga taong sangkot sa OVP at DepEd. Naniniwala rin siyang maaaring mga alias lamang ang ilan sa mga pangalang ito.

Nauna nang inanunsyo ng House prosecution panel na hindi na nito ihaharap bilang mga testigo sina Lachica, Nolasco at Ramil Madriaga.

-- ADVERTISEMENT --