TUGUEGARAO CITY-Handa na umano ang tulong na ipagkakaloob ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 2 sa isang Overseas Filipino Worker na natagpuang patay ng kanyang amo sa bansang Hongkong.

Ayon kay Regional Director Luzviminda Tumaliuan ng Owwa Region 2, maari nang asikasuhin ng pamilya ng namatay na ofw na si Grace Ramos Logan, 53-anyos ng Barangay Caggay, Tuguegarao City ang mga kakailangan para makuha ang death benefits at livelihood assistance mula sa kanilang tanggapan.

Bukod pa ito sa insurance na ipagkakaloob ng amo ng biktima.

Una naring sinagot ng employer ng biktima ang pagpunta ng tatlong anak ng biktima sa bansang Hong Kong upang asikasuhin ang labi ng kanilang ina.

Matatandaan, umaga ng Setyembre 9, 2019 nang makita ng kanyang among babae ang katawan ng biktima na wala ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na sampung taon ng OFW sa Logan kung saan taong 2015 nang lumipat ito sa Hongkong mula sa bansang Singapore bilang domestic helper.

Tinig ni Luzviminda Tumaliuan

Samantala, nakadepende na umano sa mga anak ng OFW kung magre-request ng hiwalay na pag-iimbestiga habang inaayos ang bangkay ng biktima pabalik ng bansa.