TUGUEGARAO CITY-Inaasahang matatanggap na ang mga magsasaka sa Cagayan ang tulong pinansyal na mula sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program ng Department of Agriculture(DA) sa susunod na linggo bilang tugon sa ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa covid-10.
Ayon kay Danilo Benitez ng Office of the Provincial Agriculturist ng Cagayan, gagawin ang mamimigay ng form sa araw ng Lunes sa mga benipisaryo mula sa iba’t-ibang probinsiya.
Sa ilalim ng RFFA program, mayroong 37,000 na magsasaka sa Cagayan ang inaasahang makakatanggap ng P5,000 na ayuda.
Aniya, kabilang sa mga benipisaryo ang mga magsasaka na mayroong kalahati hanggang sa dalawang hektarya ang sinasaka na kabilang sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Nabatid na ito na ang ikatlong batch ng mabibigyan kung saan una ng nabigyan ang mga benipisaryo mula dito sa lungsod ng Tuguegarao.