Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang bahagi ng western Turkey nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa mga awtoridad, naitala ang sentro ng lindol sa may Balikesir province malapit sa lungsod ng Istanbul.
Nag-deploy na ng emergency teams ang Turkish government para inspeksyunin ang posibleng pinsala mula sa pagyanig.
Kabilang sa matinding tinamaan ang bayan ng Sindirgi sa Balikesir province kung saan maraming gusali ang gumuho.
Wala pang eksaktong bilang pero ilang residente ang naiulat na na-trap at nailigtas mula sa mga gumuhong gusali.
-- ADVERTISEMENT --
Ayon naman sa disaster management agency ng Turkey, ilang aftershocks na ang naramdaman matapos ang malakas na lindol.