Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na 143 Filipinos ang pinagkalooban ng pardon ng United Arab Emirates (UAE).
Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos ang kanyang pakikipag-usap sa telepono kay UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Marcos na nagbibigay ng inspirasyon na marinig na patuloy na gumagawa ng positibong kontribusyon ang mga Filipino sa UAE.
Nagpasalamat din siya dahil sa kabaitan na ibinigay sa kanila, partikular ang pardon na ibinigay sa 143 Filipinos, na magbibigay ng kaluwagan sa maraming pamilya.
Samantala, nagpasalamat din siya kay Zayed dahil sa humanitarian aid na ibinigay ng UAE sa Pilipinas matapos ang mga nagdaang bagyo at mga pagbaha na nanalasa sa ating bansa.
Dahil dito, muling inihayag ni Marcos ang kanyang commitment sa pagpapalakas ng partnership sa pagitan ng UAE at Pilipinas.