Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si United Arab Emirates President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa paggawad nito ng clemency o pagpapatawad sa may 115 Pilipino ngayong Banal na Buwan ng Ramadan at Eid-Al-Fitr.

Ayon sa Pangulo, ang hakbang ng ipinapakita ng UAE leader ay pagpapakita ng commitment ng kanilang bansa sa aspeto ng humanitarian values.

Ang pardon dagdag ng Chief Executive ay nagbibigay diin rin kahalagahan ng compassion o pagkahabag at itinuturing ding pagpapakita ng pamahalaang UAE ng respeto sa Pangulo.

Kaugnay nito’y binigyang-diin rin ng Punong Ehekutibo ang matibay na ugnayan sa UAE gayundin ang respeto at kolaborasyon sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates.

Inihayag din ni Pangulong Marcos na ang makataong hakbang ng UAE ay sumasalamin sa espesyal na ugnayan ng dalawang bansa gayundin ang mainit na personal na pagkakaibigan at paggalang sa kanilang dalawa ni President Sheikh Mohamed.

-- ADVERTISEMENT --