
Muling nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ng matatag na suporta mula sa Estados Unidos matapos ang naging pag-uusap nila ni U.S. President Donald Trump sa pagdiriwang ng Independence Day ng Amerika.
Ayon kay Zelenskiy, naging “napakaganda” ang kanilang pag-uusap kung saan tinalakay nila ang kasalukuyang sitwasyon sa front line ng digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia. Iginiit niya na may tunay nang pagkakataong matuldukan ang mahigit apat na taong digmaan kung magpapatuloy ang matibay na suporta ng Estados Unidos.
Nagkasundo rin umano ang dalawang lider na ipagpatuloy ang kanilang talakayan sa nakatakdang NATO Summit sa Turkey sa susunod na linggo.
Nagpasalamat din si Zelenskiy sa patuloy na tulong ng Amerika at sa mga mamamayang Amerikano na patuloy na sumusuporta sa kalayaan at kinabukasan ng Ukraine. Bilang simbolo ng pagkilala, pinaliwanagan ng kulay ng bandila ng Estados Unidos ang kilalang Motherland Monument sa Kyiv.










