
Nagsumite ng sinumpaang salaysay ang ilang pamilya ng mga nawawalang sabungero sa Department of Justice ngayong araw.
Ito anila’y upang pabulaanan ang alegasyong nagsasabing tumanggap umano sila ng bayad kapalit ng pag-atras sa ‘missing sabungeros case’.
Magugunitang sinampahan ng reklamo ang ilang pamilya ng mga nawawalang sabungero kasunod nang bayaran umano sila para lamang umatras sa kaso o hindi na dumalo sa mga pagdinig nito.
Subalit giit ng mga pamilyang inireklamo na hindi sila umaatras at tuloy pa rin ang paninindigan sa laban ng kaso.










