Hawak na ng pulisya ang umanoy notorious NPA leader at dating tagapagsalita ng Cordillera Peoples Democratic Front matapos maaresto sa kanyang tinuluyang bahay sa Brgy Uno, Sta Rita, Ilocos Norte.
Sa bisa ng warrant of arrest ay matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng militar si Simon Naogsan alyas Fili/Wayat, 70-anyos at residente ng Brgy Tinglayan, Natonin, Mountain Province.
Ayon kay Lt. Col Melvin Assuncion, Chief, Division Public Affairs Office (DPAO), 5th Infantry Division, Philippine Army na mula 1979 o halos 45-taon na sa kilusan si Naogsan na unang naging tagapagsalita at secretary ng Cordillera Peoples Democratic Front at naging head ng Regional Propaganda at KLG Marco na nabuwag na ng militar.
Base sa periodic status report ng 5th ID ay No.7 siya sa official list at No. 2 high ranking officer sa kanyang pinamumunuang kilusan.
Dagdag pa ni Assuncion, nahaharap sa patung-patong na kaso ng multiple murder at attempted murder so Naogsan sa Ifugao at Mountain Province.
Ang kanyang pagkaka-aresto ay kasunod ng pagkakahuli ng apat na cadre ng ICRC na kumikilos sa Ilocos, Abra at Ifugao.
Sa ngayon ay nakakulong na sa Bacarra Municipal Police Station si Naogsan habang tinitignan ang iba pa nitong nakabinbing warrant of arrest.