Sinagot ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang puna ng National Unity Party (NUP) hinggiil sa umano’y “uneven and selective approach” o hindi pantay na patas na pagtrato ng ahensya sa mga proyekto o mga programa sa mga lalawigan.

Ang pahayag ni Dizon ay nabanggit sa pagbisitang muli sa mga proyekto sa Naga City kahapon Oct. 1.

Aniya, marahil hindi lamang nakita ang pagkakadistribute. Ipinunto pang tinitingnan kasi ngayon kung gaano ka- priority ang proyekto at dapat kompleto ang mga requirements. Iba na raw ang formula ng proyekto ngayon hindi tulad ng dati na basta’t may project title at halaga ng pondo ay ayos na.

Tiniyak ni Dizon na kung may kompleto nang requirements at may maayos na koordinasyon ang LGU, handa n ang DPWH na ipatupad ang mga proyekto.