TUGUEGARAO CITY-Nagpasalamat si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa mga investors sa lungsod dahil lumaki ang pera na umiikot sa lungsod.
Ayon kay Soriano na batay sa inilabas na survey ng Philippine Deposit Insurance Corporation, nasa P33 bilyon na umano ang umiikot na pera sa lungsod.
Aniya, pinakamalaki na umano ang naturang halaga kung ikukumpara sa ibang lungsod sa rehiyon tulad ng Ilagan City na mayroon lamang 11 bilyon, Cauayan City na P21 bilyon at Santiago City na P21 bilyon.
Sinabi ni Soriano na ito ay dahil sa pagdagsa ng mga malalaking investors kung saan ang lungsod na rin umano ang may pinakamadaming naipatayong gasoline station kumpara sa ibang lungsod sa rehiyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Soriano na asahan din umano ang paglaki ng tax na makokolekta ng local government unit(LGU).