
Inaprubahan na ng Bureau of Animal Industry ang AVAC ASF LIVE, ang unang bakuna laban sa African swine fever (ASF) na maaaring ibenta para sa mga baboy na inaalagaan para sa karne.
Ayon sa Department of Agriculture, makatutulong ang bakuna sa repopulation program at pagprotekta sa mga malulusog na baboy. Mula nang unang tumama ang ASF sa Pilipinas noong 2019, bumaba ang hog population mula 13 milyon tungo sa nasa 8 milyon.
Samantala, sinusuri na rin ng BAI ang PROVAC ng South Korea. Humiling naman ang DA ng P1 bilyon sa panukalang 2027 budget para ma-subsidize ang ASF vaccination sa backyard pig farms at gawing mas abot-kaya ito para sa maliliit na hog raisers.










