Payapa sa kabuuan ang paggunita sa araw ng Undas sa lalawigan ng Cagayan.

Sinabi ni PCapt Shiela Joy Fronda, information officer ng PNP Cagayan na sa pagbabantay ng mga pulis sa mga sementeryo ay walang naitala na hindi kanais-nais na insidente.

Sa Tuguegarao City Public Cemetery ay nakumpiska ng mga otoridad ang ilang mga gamit na bawal ipasok sa loob ng sementeryo mula sa mga indibidwal na bumisita.

Nakuha ang mga matutulis na bagay gaya ng itak na inilagay muna sa safekeeping sa entrada ng sementeryo at ibinabalik rin sa may-ari pag-uwi nito.

Sa kabila nito, sinabi niya na naging maayos ang sitwasyon sa pagdagsa ng mga mamamayan sa mga sementeryo.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Fronda na magpapatuloy pa rin sa pagbabantay ang mga kapulisan para naman sa mga mamamayan na bibiyahe palabas ng lalawigan.