Kabilang ang University of the Philippines Manila at University of the Philippines Diliman sa world’s top universities ngayong 2025 ayon sa Center for World University Rankings (CWUR).
Ang dalawang eskwelahan ang tanging unibersidad sa Pilipinas na napabilang sa 2025 edition ng Global 2000 list, na inilabas noong June 2.
Sa 21,462 universities, ang UP Manila ay may overall ranking na 1,677, na kumakatawan sa Top 7.9 percent, habang ang UP Diliman ay ranked 1,784, na nakakuha ng Top 8.4 percent.
Nakuha ng UP Manila ang overall score na 67.4, mas bahagyang mas mataas sa UP Diliman na nakakuha ng 67 points.
Samantala, sa Asia Regional Rank, nasa pang-646 na puwesto ang UP Manila, habang ang UP Diliman ay ranked 696.
Ibinabatay ang ranggo ng mga unibersidad sa education na 25 percent, employability na 25 percent, quality of faculty na 10 percent, at research na 40 percent.