Nahuli na ng pulisya ang dalawang lalaking kasamahan ng dalawang unang naaresto sa panloloob sa isang bahay sa brgy. San Gabriel, Tuguegarao City noong Sabado ng Gabi ng November 19, 2022.

Ayon kay PCAPT Ruff Manganip, tagapagsalita ng PNP Kalinga, sa pamamagitan ng maigting na koordinasyon ng mga otoridad ay naaresto sa bahagi ng Brgy. Laya East, Tabuk City sina Jonathan Talaue, 31 anyos at si Shad Dimara 36 anyos kapwa residente residente ng Bulanao Norte.

Sinabi ni Manganip na dahil sa patuloy na imbestigasyon at beripikasyon sa mga natatanggap na report ng mga otoridad ay natukoy ang kinaroroonan ng dalawang suspek at nabatid na si Dimarana ay dati na rin umanong nakulong dahil sangkot sa kalakaran ng droga.

Giit niya, maaaring wala na silang mapagkukuhanan ng pambili ng droga kaya’t nagagawa na nilang manloob at magnakaw.

Nakuha sa pag-iingat ni Dimara ang ang ibat ibang uri ng mamahaling alahas, caliber 45 na may bala, 200USD, P9500 cash, hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10k at iba pa habang nakumpiska rin mula kay Talaue ang 6 grams na shabu na tinatayang aabot sa P40,800, caliber 9mm na may bala, ibat ibang bala ng baril, passbook, assorted na alahas, mga wallet, sling bag, jewelry box, tatlong piraso ng 100 US dollar; 38 pieces na P1000, 49 pieces P50, 188 pieces ng P20 at iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Manganip na nahaharap sa patung-patong na kaso ang mga suspek tulad ng pagnanakaw, paggamit ng iligal na droga, pag-iingat ng iligal na baril at carnapping.

Para sa karagdagang detalye: https://www.bomboradyo.com/tuguegarao/dalawa-sa-tatlong-suspek-sa-robbery-incident-sa-tuguegarao-city-natunton-sa-gps-ng-cellphone-ng-biktima/