Itinaas sa magnitude 4.8 ang tumamang lindol sa Claveria, Cagayan.

Sa eartquake information No. 2 na inilabas ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 5KM Northwest ng Claveria, Cagayan alas 8:48 kagabi.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 56 kilometers.

Walang inaasahang pinsala sa ari-arian at aftershocks bunsod ng lindol.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman din ang pagyanig sa mga kalapit na lugar:

-- ADVERTISEMENT --

Intensity IV – Claveria, Pamplona, Sanchez Mira, Abulug, at Allacapan sa Cagayan; Flora, Apayao; Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin, at Bacarra sa Ilocos Norte

Intensity III – Amulung, Alcala, Sta. Ana, at Sta. Praxedes, Cagayan; Pasuquin, Laoag city, Batac, at San Nicolas, Ilocos Norte;

Intensity II – Penablanca, and Tuguegarao City, Cagayan; Currimao, Ilocos Norte

Intensity I – Sinait, Ilocos Sur; Badoc, Ilocos Norte

Instrumental Intensity:

Intensity III – Laoag City, Ilocos Norte; Gonzaga and Claveria, Cagayan
Intensity I – Sinait, Ilocos Sur