Dinagdagan pa ng US ang kanilang tulong pinansiyal sa Venezuela matapos ang pagtama ng dalawang magkasunod na lindol.

Ayon sa US State Department na mayroong inilaan na $300 mlyon ang US.

Ang nasabing halaga ay doble mula sa unang pledge nila na $150-M.

Ang nasbing pondo ay makakatulong sa mga medical care, food assistance, tubig, sanitation , shelter, protection at logistics.

Ang nasabing pera ay direktang ibibigay sa mga partner oganization gaya ng Samaritan’s Purse, Catholic Relief Services, World Food Programme at Red Cross.

-- ADVERTISEMENT --

Binuksan na rin ng US ang Simón Bolívar International Airport sa Caracas para mabigyang daan ang mga relief operations.

Magugunitang mayroong mahigit 1,000 na ang nasawi matapos ang pagtama ng magkasunod na lindol noong nakaraang Linggo.