
Dumating na sa Qatar ang mga kinatawan ng Estados Unidos, ngunit wala umanong nakatakdang direktang pagpupulong sa mga opisyal ng Iran.
Ayon sa Foreign Ministry ng Qatar, nasa bansa na ang mga US envoy upang makipagpulong sa mga international mediator kaugnay ng nagpapatuloy na negosasyon sa pagitan ng Washington at Tehran.
Kabilang sa mga usaping tatalakayin ang hindi pa naililipat na humigit-kumulang $6 bilyong frozen assets ng Iran. Gayunman, nilinaw ng Qatar na wala pang planong magsagawa ng direktang pag-uusap ang mga kinatawan ng US at Iran sa ngayon.
Matatandaang nagkaroon na ng bahagyang kasunduan ang dalawang bansa sa ilang isyu, ngunit nananatili pa ring nakabinbin ang iba pang mahahalagang usapin sa kanilang negosasyon.










