
Iginiit ng Estados Unidos na nananatiling bukas ang Strait of Hormuz kahit sinabi ng Iran na isinara na nito ang mahalagang rutang pandagat matapos ang panibagong palitan ng pag-atake ng dalawang bansa.
Nagpatuloy ang tensyon matapos sabihin ng US na umatake ito sa mahigit 140 target sa Iran bilang tugon sa pag-atake ng Iranian forces sa isang barkong dumaraan sa Strait of Hormuz na umano’y gumamit ng hindi aprubadong ruta.
Samantala, sinabi ng US Central Command na nakahanda ang kanilang pwersa upang tiyaking ligtas at tuloy-tuloy ang pagdaan ng mga barko sa naturang ruta.










