Muling iginiit ng US sa China na hindi natitibag ang suporta nila sa Pilipinas.
Kasunod ito sa mga nagaganap na harassment ng China sa Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Deputy Secretary of State Kurt Campbell, na kaniyang tinawagan si executive Vice Foreign Minister Ma Zhaoxu at ipinarating ang nasabing seryosong usapin.
Giit nito na sa ilalim ng Mutual Defense Treaty ng US at Pilipinas ay nananatiling matibay.
Hinikayat din nito ang Chinese counterpart na magkaroong ng kapayapaan at katahimikan sa Taiwan Strait.
-- ADVERTISEMENT --
Dagdag pa ni Campbell na marapat na magkaroon ng mapayapang pag-uusap ang Pilipinas at China para matigil ang anumang tensyon.