
Inanunsiyo ni U.S. President Donald Trump ang ginawa nilang pag-atake sa tatlong nuclear sites ng Iran.
Sa isang social media post nitong Linggo, Hunyo 22, kinumpirma ni Trump ang nasabing pag-atake sa tatlong nuclear sites kabilang na ang Fordow, Natanz, at Esfahan.
Matatandaang nagsimula ito matapos ilunsad ng Israel ang malawakang pag-atake sa Iran noong Biyernes, Hunyo 13.
Dahil dito, gumanti ng airstrike ang Iran sa Israel.
Samantala, kinondena naman ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan ang ginawang pambobomba ng Amerika sa Iran.
-- ADVERTISEMENT --
Ayon sa kanila, ngayong sangkot na ang Amerika sa sigalot, asahang lalo pang tataas ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.