Kinondena ng Estados Unidos ang pagharang umano ng China sa Philippine rotation and resupply o RoRe mission patungong Ayungin Shoal noong Setyembre 24.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines Lee Lipton, “mapanganib” at “iresponsable” ang mga maniobra ng China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy na muntik umanong magdulot ng banggaan at nakapigil sa nakatakdang resupply mission.

Sinabi ni Lipton na naninindigan ang US sa panig ng Pilipinas at pinuri ang professionalism at restraint ng mga Pilipinong tauhan.

Batay naman sa National Task Force for the West Philippine Sea, tatlong PLAN warships at limang China Coast Guard vessels ang nakialam sa misyon habang tinatahak ng M/V Lapu-Lapu at tatlong support vessels ang ruta patungong Ayungin Shoal.

Itinigil ng Philippine Coast Guard ang RoRe mission alas-11:08 ng gabi para sa kaligtasan ng mga tauhan.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga tauhan ng BRP Sierra Madre ang nakatakdang makatanggap ng mahahalagang suplay.