Malaki na ang naging progreso sa pagpapaunlad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites sa Pilipinas sa nakalipas na 18 buwan, ayon sa isang mataas na opisyal ng US Department of War.

Sinabi ni US Under Secretary of War for Policy Elbridge Colby na patuloy ang pakikipagtulungan ng Estados Unidos sa pamahalaang Pilipinas para mapaunlad ang mga pasilidad at mapalakas ang soberanya at pambansang interes ng bansa.

May siyam na EDCA sites ngayon sa Pilipinas, kabilang ang Naval Base Camilo Osias at Lal-lo Airport sa Cagayan, gayundin ang Camp Melchor Dela Cruz sa Isabela.

Ayon kay Colby, inaasahan pa ang karagdagang progreso kasunod ng mga pag-uusap nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Binigyang-diin din niya ang pagpapalakas ng kooperasyong pangdepensa ng US at Pilipinas, partikular sa gitna ng mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

-- ADVERTISEMENT --