
Kinumpirma ng US Central Command (Centcom) na nakumpleto na ng US military ang kanilang panibagong yugto ng mga pag-atake laban sa Iran.
Ayon sa US military, tinatayang aabot sa 90 military targets ang tinamaan.
Sa isang pahayag (X), sinabi ng Centcom na tinamaan ng pwersa ng Estados Unidos ang air defense systems, coastal surveillance assets, missile at drone storage sites, naval capabilities at military logistics infrastructure sa may coastline ng Iran.
Ang panibagong strikes ng US ay kasunod ng matagumpay na opensiba sa Iran kamakailan.
Ipinaliwanag ng US military na layunin ng kanilng inilunsad na strikes na mapahina pa ang kakayahan ng Islamic state na atakehin ang commercial shipping at mga inosenteng tripulanteng sibilyan na dumaraan sa Strait of Hormuz.
Nitong Miyerkules (US time), inanunsiyo ni US President Donald Trump na nagtapos na ang tigil-putukan sa pagitan nila ng Iran kasunod ng mga pag-atake ng huli sa mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz.










