May naitalang kauna-unahan na pagkamatay ng isang tao na iniuugnay sa bird flu sa Estados Unidos.
Ayon sa health authorities sa Louisiana, ang pasyente ay 65 years old, na na-confine sa ospital dahil sa respiratory ailment, at ito ang seryosong kaso ng human infection ng H5N1 virus na natukoy sa US.
Marami ang naalarma nang ihayag noong kalagitnaan ng Disyembre ng 2024 na ang pasyente ay nasa kritikal na kundisyon at ikinabala ng United Sates ang outbreak ng posibleng bird flu pandemic, kung saan may mga katulad na mga kaso ang naiulat sa maraming bansa.
Ayon sa Louisiana Health Department, nakuha ng pasyente ang H5N1 matapos ang pagkakalantad niya sa kombinasyon ng non-commercial backyard flock at wild birds.
Sa kabila nito, sinabi ng nasabing tanggapan na nananatili na mababa ang panganib sa kalusugan ng publiko ang bird flu, kasabay ng pagsasabing wala pang natukoy na human-to-human transmission.
Nababahala naman ang mga eksperto na magbunbunsod sa mutations ang high circulation ng virus sa mga hayop na magreresulta ng mas mablis na pagkalat nito sa mga tao.