Magtatalaga si US President Donald Trump ng bagong artificial intelligence o AI adviser, na tinatawag na “AI czar,” at bubuo rin umano ng isang “AI force” sa Estados Unidos.

Sa pahayag ni Trump sa social media, wala siyang ibinigay na detalye kung sino ang itatalaga o kung paano isasagawa ang mga planong ito.

Sinabi ni Trump na hindi niya hahadlangan ang paglago ng AI industry, ngunit gagamitin umano ang umiiral na criminal at civil justice system laban sa mga mapanganib o ilegal na paggamit ng teknolohiya.

Kung matutuloy, ito na ang ikalawang AI czar ng administrasyon ni Trump. Nauna nang humawak sa posisyon si venture capitalist David Sacks bago ito lumipat sa isang external advisory role.

Samantala, lumalaki ang pangamba sa Washington sa posibleng panganib ng AI sa mga tao at ari-arian, habang pinag-uusapan din ng US at China ang kompetisyon sa AI technology at seguridad.

-- ADVERTISEMENT --