Inihayag ni US President Joe Biden na hindi niya bibigyan ng parson ang kanyang anak na si Hunter Biden kung mapapatunayan siyang guilty sa criminal federal gun charges.
Iginiit din ni Biden na tatanggapin niya ang magiging resulta ng paglilitis sa kanyang anak na isasagawa sa Delaware.
Inakusahan si Hunter ng iligal na pagbili at pag-iingat ng baril habang gumagamit ng iligal na droga na isang paglabag sa federal law.
Nagpasok siya ng not guilty plea sa tatlong kaso, bagamat inamin niya ang paglaban niya sa pag-inom ng alak at pagiging addict sa cocaine.
Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng US na isang anak ng nakaupong presidente ang lilitisin.
Una rito, ipinagmalaki ni President Biden na proud siya sa kanyang anak dahil sa nakabangon siya mula sa kanyang addiction.