Nagpositibo sa Covid-19 si US President Joe Biden at nakakaranas ng mild symptoms.
Sinabi ni Karine Jean-Pierre, ang press secretary ni Biden na nabakunahan at mau booster vaccine ang presidente.
Ayon pa ka Pierre, dalawang beses na rin na nagpositibo si Biden sa nasabing virus.
Ang karamdaman ni Biden ay sa gitna ng lumalakas na pressure na umatras na sa kanyang kandidatura dahil sa kanyang edad.
Batay sa report, hiwalay na pribadong nakipagpulong kay Biden sina Senate Majority Leader Chuck Schumer at House Majority Leader Hakeem Jefferies at ipinahayag ang kanilang pagkabahala sa kanyang kandidatura na magbubunsod umano ng negatibong impact sa laban sa Senado at sa House.
Kaugnay nito, sinabi ni Pierre na plano ni Biden mag-isolate sa kanyang tahanan sa Delawareat doon din gagawin ang kanyang tungkulin.
Sa kauna-unahang pagkakataon, sinabi ni Biden sa isang panayam na ikokonsidera niya ang pag-atras ng kanyang kandidatura kung sasabihin sa kanya ng kanyang mga doktor na siya ay may “medical condition”.