Tinapos na ni US President Joe Biden ang kanyang muling pagtakbo bilang pangulo at inindorso si Vice President Kamala Harris na papalit sa kanya.

Sinabi ni Biden na tatapusin niya ang kanyang termino at magtatalumpati ngayong linggo ukol sa kanyang naging desisyon na umatras sa kanyang reelection bid.

Kaugnay nito, sinabi ni Harris na isang karalangan na makuha ang endorsement ni Biden at nangako na mananalo siya sa nomination.

Si Harris ang posibleng maging kauna-unahang Blask woman at unang Asian American na mangunguna sa ticket ng isang major political party.

Subalit sa kanila ng endorsement ni Biden, hindi pa malinaw kung si Harris ang magiging nominee, o kung ano proseso ang gagawin ng partido para sa pagpili ng alternatibo.

-- ADVERTISEMENT --

May mga balita naman na plano ni Senator Joe Manchin ng West Virginia na muling magrehistro bilang Democrat para tumakbo bilang pangulo.

Tinawag naman ni dating US president Donald Trump si Biden na “worst president” sa kasaysayan umano ng US.

Ayon naman sa White House, ang naging desisyon ni Biden ay walang kinalaman sa kanyang kalusugan sa halip ay dahil sa nawalang tiwala sa kanya ng kanyang partido.