Nagbabala si US President Donald Trump na maaari niyang “annihilate” o tuluyang wasakin ang Islamic Republic of Iran kung hindi maaabot ang isang kasunduang pangkapayapaan.

Sa kanyang talumpati sa 81st United Nations General Assembly sa New York, sinabi ni Trump na kailangan niyang mamili kung bibigyan ang Iran ng pagkakataong muling bumangon matapos ang digmaan o tuluyang durugin ang bansa.

Iginiit ni Trump na napigilan ng Estados Unidos ang Iran na makakuha ng nuclear weapon at nanawagan sa iba pang bansa na tulungan ang Washington na ihiwalay ang Tehran sa ekonomiya upang mapilitan itong makipag-negosasyon.

Sinabi rin ni Trump na inaasahan niyang magkakaroon ng peace deal matapos ang US midterm elections sa Nobyembre 3.

Samantala, sinabi ng UN fact-finding mission na may reasonable grounds upang maniwalang nakagawa ng war crimes ang US forces sa dalawang pag-atake sa Iran, kabilang ang isang strike na tumama sa isang primary school sa Minab.

-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi naman ni Trump ang hurisdiksyon ng International Criminal Court sa mga sundalong Amerikano, at sinabing hindi nito maaaring imbestigahan o litisin ang US military.