Inihayag ni US President Donald Trump na magsisimula ang Estados Unidos ng operasyon upang tulungan ang mga barkong naiipit sa Strait of Hormuz.

Ayon kay Trump sa isang post sa kanyang social media account, ang hakbang ay nagsimula na ngayong araw. Hindi siya nagbigay ng kumpletong detalye kung paano isasagawa ang operasyon o kung gagamitin ang US Navy.

Sinabi niya na ang hakbang ay isang humanitarian gesture na layuning tulungan ang mga neutral na bansa na hindi umano sangkot sa tensyon sa pagitan ng US at Israel laban sa Iran.

Ayon pa sa ulat, walang agarang pahayag mula sa White House at Pentagon kaugnay ng nasabing plano.