Igagalang umano ni US President Joe Biden ang naging desisyon ng jury na napatunayang guilty o nagkasala sa gun crimes ang kanyang anak na si Hunter matapos ang isang linggong paglilitis.
Hinatulan ng 12-person jury si Hunter, 54 anyos na guilty sa pagsisinungaling sa paggamit niya ng iligal na droga sa sinulatan niyang form habang bumibili ng baril noong 2018.
Ang hatol kay Hunter sa tatlong bilang ng kasong felony ay sa gitna ng pangangampanya ni Biden para sa re-election sa Nobyembre, at wala pang dalawang linggo nang hatulan ang kanyang katunggali na si Dating US President Donald Trump sa isang krimen sa New York.
Bagamat hindi dumalo si Biden sa paglilitis sa Delaware, lagi namang present ang kanyang maybahay na si Jill.
Nagpakita rin ng suporta kay Hunter ang kanyang asawa, kapatid at tiyuhin sa panahon ng paglilitis.
Una rito, sibabi ni Biden na hindi niya pagkakalooban ng pardon ang kanyang anak kung mapapatunayan siyang guilty.