
Dismayado si U.S. President Donald Trump sa pinakahuling panukala ng Iran para sa peace talks na pinangunahan ng Pakistan.
Sa panayam sa White House, sinabi ni Trump na hindi katanggap-tanggap ang mga hinihingi ng Tehran.
Nabatid na humiling ang Iran na ipagpaliban muna ang anumang diskusyon tungkol sa kanilang nuclear program hanggang sa matapos ang digmaan.
Bilang kapalit, ipinapanukala ng Tehran ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz. Bahagi rin ng kanilang kahilingan ang pag-alis ng mga economic sanction ng Amerika.
Dahil dito hindi naiwasan ni Trump na magbanta na maaari silang gumamit ng mas matinding pwersa kung muling mabibigo ang negosasyon.
Sinabi pa ni Trump na may “tremendous discord” umano sa liderato ng Iran, na aniya’y nagpapahirap sa pagkakaroon ng kasunduan.
Sa kabila nito, nananatiling bukas ang opsyon para sa diplomasya, bagamat binigyang-diin ni Trump na handa ang Estados Unidos kumilos sa anumang paraan kung kinakailangan.










