
Nangako si US President Donald Trump na bibigyan ng tig-$5,000 ang bawat adult American kung mananatili sa kontrol ng Republicans ang House of Representatives at Senate matapos ang midterm elections sa Nobyembre 3, 2026.
Sa video na inilabas niya sa X, sinabi ni Trump na maaaring pondohan ang mga bayad mula sa malaking kita ng gobyerno sa tariffs.
Gayunman, wala siyang ibinigay na detalye kung magkano ang kabuuang halaga ng programa, paano ito popondohan at anong batas ang kakailanganin para maipatupad ito.
Nagbabala rin si Trump na magdudulot umano ng mataas na buwis at matinding pagbagsak ng ekonomiya ang pagkapanalo ng Democrats sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sinabi rin niya na nais niyang ipagpatuloy ang tinatawag niyang “Trump dividend,” kabilang ang $1,776 na ibinigay sa mga miyembro ng US military.










