Nababahala ang Estados Unidos na nagpapahina sa regional peace and stability ang pinakahuling aksion ng China sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon sa US Embassy sa bansa,, sinabi ito ni pulong nina US Secretary of State Anthony Blinken at Foreign Affairs Sec. Enrique Manolo.
Kasabay nito, iginiit ni Blinken ang buong suporta ng US sa ilalim ng mutual defense treaty.
Sinabi ni State Department spokesperson Matthew Miller na nagpalitan din sina Blinken at Manolo ng mga pananaw sa pagbuo ng momentum mula sa pinakahuling high-level bilateral engagements sa mga issues at shared concern.
Ito ay kasunod ng ramming incident noong araw ng Lunes,June 17, sa pagitan ng China Coast Guard vessels at mga bangka ng Philippine Navy sa kasagsagan ng resupply mission sa BRP Sierra Madre.
Ang insidente ay nagresulta sa pagkakaputol ng daliri ng isang miyembro ng Philippine Navy at pagkakasugat ng iba pa.
Sinabi ng Armed Forces of the Philippines na gumamit pa ng water cannon ang CCG at umakyat sa isang bangka ng bansa.