Inihayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na unang ipapa-deport ng US government ang illegal immigrants na may criminal records at ang mga sangkot sa terrorist activities.

Sinabi ni Romualdez, nakuha niya ang impormasyon mula sa American law enforcers.

Ayon sa kanya, prayoridad ng Trump administration ang deportation ng illegal immigrants na ikinokonsidera na security problem sa iba’t ibang estado.

Matatandaan na pinayuhan ni Romualdez ang mga Filipino na iligal na naninirahan sa US na huwag nang hintayin na sila ay ipa-deport kasunod ng panalo ni President-elect Donald Trump.

Pinayuhan din niya ang mga Filipino na iligal na naninirahan sa US na kumuha ng magaling na abogado para tulunngan sila sa kanilang kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Romualdez, tinatayang 300,000 hanggang 350,000 Filipinos ang iligal na nananatili sa US.

Ayon sa kanya, nababahala siya magiging slave employees ang mga illegal immigrant para manatili lamang sila sa US.