Nakuha ng United States ang top spot sa 2024 Olympic medal table sa paris.

may kabuuang 126 medals ang US sa nakahot na 40 gold, 44 silver at 42 bronze medals.

Pumangalawa ang China na mayroon ding 40 gold, 27 silver at 24 bronze medals.

Nasa pangatlong puwesto ang Japan sa 20 gold, 112 silver at 13 bronze medals, 4th place ang Australia na mayroong 18 gold, 19 silver at 16 bronze habang ang host country na France ay mayroong 16 gold, 26 silver at 22 bronze medals na nasa pang-limang puwesto.

Pang-anim naman ang The Netheralands na mayroong 15 golds, pitong silver at 12 bronze habang ang Great Britain ay mayroong 14 gold, 22 silver at 29 bronze medals.

-- ADVERTISEMENT --

Pang-walong puwesto ang Republic of Korea na mayroong 13 gold, siyam na silver medal at 10 bronze habang ang Italy ay mayroong 12 gold medal,s 13 na silver at 15 na bronze habang ang Germany ay nasa pang-10 puwesto na mayroong 12 na gold, 13 silver at 15 bronze medals.

Ang Pilipinas ay nasa pang-37 na puwesto na mayroong 2 gold at dalawang bronze medal lamang kung saan tabla sila ng Hong Kong.