Ikinatuwa ni department of health undersecretary Glenn Mathew Baggao ang naging pagbisita nito sa lalawigan ng Batanes upang magsagawa ng Health Summit.
Sa panayam ng bombo radyo, sinabi ni usec Baggao na layunin ng pagbisita ng Public Health Services Cluster ng doh na kaniyang pinamumunuan na ma-assess ang ang implementasyon ng mga iba’t ibang health programs ng ahensiya, ganundin sa mga issues and concerns na kailangan na matugunan sa naturang isla.
Ayon kay usec Baggao na nakipag-ugnayan sila sa mga ibat ibang stakeholders katulad ng mga lokal na opisyal para ma-improve pa ang serbisyong pangkalusugan sa islang probinsiya.
Sa kanilang pagbisita ay nakita aniya ng mga ito ang aktibong partisipasyon ng mga lokal na opisyal mula sa kanilang governor, mayors, provincial officers at iba pa.
Natutuwa naman aniya ito dahil naging maganda ang implementasyon ng Batanes sa mga health programs sa kabila ng kanilang geographical situation.
Pagkatapos aniya ng health summit ay bumisita rin sila sa iba’t ibang health facility sa nasabing lalawigan kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na makita ang malaking pagbabago ng Batanes General Hospital.
Sinabi ni Baggao na halos kumpleto na ang mga kagamitan ng nasabing ospital gaya na lamang ng CT Scan at marami pang iba.
Aniya, mula sa anim na bayan ng batanes ay may kanya kanyang municipal health officers ang mga ito na aktibong nakikipagtulungan sa mga programa ng DOH upang mapabuti pa ang kalagayan at kapakanan ng bawat mamayan.
Samantala sa panayam naman kay Dr.Jeffrey Anthony Canceran, Medical center chief ng batanes general hospital ay sinabi nito na sa kabila ng lokasyon ng isla ng batanes ay unti unting naibibigay ng DOH ang mga equipment apparatus na magagamit ng mga pasyente na kahit na hindi na sila gagastos ng pamasahe sa eroplano para lang makapagpagamot sa maynila.
Nagpasalamaat din si Canceran kay usec Baggao dahil sa suporta at tulong na ibinibigay nito para sa pangangailangan ng nasabing ospital kahit na noong siya pa ang medical center chief ng Cagayan valley medical center o cvmc dito sa tuguegarao.
Nangako naman si usec Baggao na patuloy ang kanilang pagbibigay ng technical assistance upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga mamayan sa Batanes at mas mapabuti pa ang kanilang health services status.
Samantala, target naman ng ahensiya na magbukas ng bucas center o Bagong Urgent Care and Ambulatory Service bilang tugon sa kahilingan ng ilang lokal na opisyal para mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong lugar sa batanes.