
Inaasahang lalampas sa P21 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas pagsapit ng 2027, batay sa budget documents ng pamahalaan.
Tinatayang aabot sa P21.48 trilyon ang outstanding debt ng bansa sa susunod na taon, mas mataas kumpara sa projected P19.76 trilyon ngayong 2026.
Samantala, nasa P19.065 trilyon na ang utang ng national government nitong Hunyo 2026, mas mataas ng P518.98 bilyon kumpara sa P18.546 trilyon noong Mayo.
Sa kabuuang projected debt sa 2027, P14.3 trilyon ang inaasahang magmumula sa domestic sources habang P7.2 trilyon naman ang mula sa external sources.
Inaasahan din ng pamahalaan na aabot sa P3.304 trilyon ang gross borrowings nito sa 2027, kung saan P2.389 trilyon ang kukunin sa lokal na merkado at P914.982 bilyon naman mula sa foreign sources.




