Umabot na sa record-high na P19.39 trilyon ang outstanding debt ng pambansang pamahalaan sa pagtatapos ng Hulyo 2026, ayon sa Bureau of the Treasury.

Mas mataas ito ng P323.53 bilyon o 1.7 porsyento kumpara sa P19.065 trilyon noong Hunyo.

Pangunahing dahilan nito ang karagdagang pangungutang ng gobyerno at paghina ng piso na nagpataas sa halaga ng foreign currency-denominated debt.

Kabuuang 67.61 porsyento ng utang ay mula sa domestic sources habang 32.39 porsyento naman ang external debt.

Nasa 66 porsyento ng gross domestic product ang debt-to-GDP ratio ng bansa sa unang kalahati ng taon.

-- ADVERTISEMENT --