Babalik na ng bansa si Mary Jane Veloso bukas matapos ang 14 na taon na pagkakakulong sa Indonesia, kung saan siyam na taon ay ginugol niya sa death row dahil sa drug trafficking conviction.
Ito ang kinumpirma ni Nyoman Gede Surya Mataram, deputy coordinator of immigration and corrections ng Indonesia at National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL).
Sinabi ni Mataram na bibiyahe si Veloso ng madaling araw bukas.
Susunduin si Veloso ng mga opisyal mula sa Philippine Embassy mula sa kanyang detention facility sa Jakarta.
Nangako naman ang Malacañang na kikilalanin ang mga kundisyon para sa paglipat sa hurisdiksion ng bansa kay Veloso.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, masaya siya para sa pagbabalik sa bansa ni Veloso at muling makakapiling ang kanyang pamilya.