
Pumanaw na ang beteranong abogado na si Jose C. Sison sa edad na 88, ayon sa kinumpirma ng kanyang anak na si dating Quezon City Vice Mayor Jose “Jopet” Sison.
Sa inilabas na pahayag ng pamilya, sinabi nitong mapayapang pumanaw si Sison nitong umaga ng Hulyo 23. Hindi na isinapubliko ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Magsisimula ang burol sa Biyernes, Hulyo 24, sa Ascension Chapel ng Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, habang nakatakda ang kanyang libing sa Hulyo 28 sa Heavens Gate 1 Memorial Park sa Antipolo City.




