Iginiit ni Justice Secretary Fredderick Vida na malaking bagay ang hindi pagsunod sa batas at proseso ng korte, kasunod ng pagmamaliit ni Batangas Representative Leandro Leviste sa arrest warrant laban sa kanya.

Ayon kay Vida, dapat igalang ang mga proseso ng korte, kabilang ang pag-isyu ng arrest warrant, dahil layunin ng batas na mapanatili ang kaayusan.

Sinabi ito ni Vida matapos sabihin ni Leviste sa kanyang mga tagasuporta na huwag mag-alala sa kanya at tinawag na “maliit na bagay” ang warrant na inilabas ng Makati court.

Nahaharap si Leviste at iba pa sa kaso na inihain ng Department of Justice kaugnay ng umano’y paglabag sa Public Service Act.