Ipapadala na umano ng Vietnam sa bansa ang 150,000 doses ng bakuna laban sa African swine fever ngayong araw na ito.

Ang nasabing shipment ng bakuna na ginawa ng AVAC Vietnam (AVAC), ay bahagi ng 600,000 doses na order ng pamahalaan.

Inaprubahan ng Vetnam ang dalawang ASF vaccines para sa domestic use noong July 2023, kung saan ang bansa ang unang gagamit nito.

Subalit, ang mga nasabing bakuna ay hindi pa aprubado internationally.

Una rito, nagbabala ang World Organization for Animal Health (WOAH) sa paggamit ng sub-standard na mga bakuna.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, hindi naman binanggit ang bakuna na mula sa Vietnam